Ang Pagsiklab Ng Maayos Na Komunikasyon

Written by Reuss Aleistair Lunar


Sa bawat sunog, hindi lamang apoy ang kalaban ng mga tao. Ang kakulangan sa maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga bumbero at komunidad ang sentrong suliranin na tinutugunan ng Pag May Sunog, isang multimedia information campaign na naglalayong magbigay ng maayos at madaling maunawaan na impormasyon sa mga sibilyan upang malaman nila ang wastong gawain sa gitna ng sunog.

Bukod sa mga bumbero na trabaho ang pag-apula sa apoy, mayroong responsibilidad ang mga sibilyan na makiisa upang maging epektibo ang operasyon ng mga bumbero. Batay sa mga panayam at pananaliksik, maraming insidente ng kakulangan sa koordinasyon tulad ng hindi pag-report ng sunog ang nagiging sanhi ng pagkaantala sa operasyon na maaaring magdulot ng mas malalang pinsala sa sitwasyon ng sunog.

“At may ibang residente based din doon sa nangyari na na-discover namin later on, dahil in-denial sila na sa kanila nagmula yung [sunog], hindi sila nagsabi kaagad. Sila yung nag-vacate. Matahimik silang nag-vacate hanggang sa malaki na…”

Ito ay galing sa panayam ni Chairman Fernand M. Aguilera, Punong Barangay ng Barangay 52, Zone 4, nang tanungin tungkol sa gawain ng mga residente tuwing may sunog.on dahil ang bawat isa ay may sariling papel na ginagampanan upang maging epektibo ang pagtugon sa sitwasyon.

“…ang mahirap kasi, may isang bahay na pinagmulan ng sunog [tapos] tahimik silang aalis para hindi sila masisi.”

Chairman Fernand M. Aguilera, Barangay 52, Zone 4

Napakahalagang maging tapat sa mga sitwasyon na ganito. Kung hindi magsasabi ng totoo, magkakaroon talaga ng malabong komunikasyon sa pagitan ng komunidad at ng mga bumbero. Maaaring maantala yung pagkilos ng mga tao at mas lumala pa ang pinsala ng sunog. 

Kaya naman nais ng proyektong ito na gawing mas accessible o madaling makuha ang mga impormasyon na mahalagang malaman ng mga sibilyan upang ang bawat mamamayan ay maging handa sa sunog, hindi lang bilang biktima kundi bilang katuwang rin ng ating mga bumbero sa pagtugon sa sunog.

Ano nga ba ang maaaring gawin ng mga sibilyan?

Ang pagiging handa para sa mga hindi inaasahang sunog ay hindi lamang responsibilidad ng mga bumbero kundi pati na rin ng mga residente sa isang komunidad. Narito ang ilang mga bagay na maaaring gawin ng bawat isa:

  1. Magbigay ng tama at kumpletong impormasyon. 

Siguraduhing tama at malinaw ang mga impormasyong ibibigay kung magre-report ng insidente ng sunog. Ipagbigay alam ang tamang lokasyon at iba pang mga bagay tungkol sa sitwasyon. Ang ilang segundo ng kalituhan ay maaaring magdulot ng mas malaking antala sa operasyon.

  1. Panatilihing bukas ang mga daanan.

Iwasan ang humarang sa mga kalsada at eskinita. Huwag iwanan ang mga gamit sa gitna ng kalsada upang makadaan nang mas mabilis at maayos ang mga bumbero na tutugon sa insidente ng sunog.

  1. Huwag mag-panic at kumilos nang may disiplina.

Ang panic ay maaaring maging sanhi ng mas malaking panganib. Sundin ang mga evacuation procedures at makinig sa mga awtoridad sa tamang gawain sa gitna ng sunog.

  1. Makipagtulungan at makiisa sa mga rumespondeng bumbero.

Iwasan lumapit sa pinangyarihan ng sunog na maaaring makasagabal sa mga bumbero. Tumulong sa paraan na hindi nakakahadlang sa operasyon. Huwag agawin ang hose o ano mang equipment ng mga bumbero.

Sa panahon ng sunog, mahalaga ang bawat segundo na mayroong maayos na komunikasyon dahil ang bawat isa ay may sariling papel na ginagampanan upang maging epektibo ang pagtugon sa sitwasyon.

Mag-iwan ng Komento

Hindi ipapakita ang iyong email. Ang mga field na may markang * ay kailangang punan ng laman.

No comments to show.